Ganito na ang lamig dito ngayon. Kung nung isang araw eh dreary, ngayon, naku! ginaw na. Syempre naman di sa lahat. Pero sa mga pinoy na katulad ko na bihirang makaranas ng taglamig, o never nakaranas ng taglamig maliban noong nasa second year high school ako na parang sobrang ginaw din eh, pag tumapak na sa 20C or below it, plus yung hangin, aba reklamo na ako.
Kanina paglabas ng building namin, sabay kanta agad, “malamig ang simoy ng hangin”… Pasko na talaga! Syempre minus the decorations dito sa Dubai.
Pero paskong pasko na talaga para sa amin.
Merry Christmas!
photo credits: accuweather.com







0 Responses
Stay in touch with the conversation, subscribe to the RSS feed for comments on this post.